Yehey! Patay na si Zang Caesar: Mga kwentong kamatayan.
May 24, 2009 by crimson-zang
Noong gabi ng Biyernes, nagtext sa akin si Pao.
Nasa hospital daw ang nakababata niyang kapatid. Ewan ko kung sino sa dalawa, di na niya binanggit. Siguro alam niyang kahit banggitin niya eh maguguluhan ako, kasi hanggang ngayon nalimutan ko na mga edad nun. 10 at 9 years old ata. O kaya 10 at 8. Hay ewan. Di ko rin kasi nakilala mga yun. Hindi ko alam kung yung mas matanda ba sa dalawa ang nahospital o yung bunso nila.
At kung sino man si Pao, wag ka nang makialam. Bumasa ka na lang.
At kung magtataka ka bakit ako nagtaTagalog na ngayon ay wala ka na ring pakialam doon. Patuloy mo na lang pagbasa mo.
Dumudugo na kasi ilong–pati puwet–ko sa kakaEnglish. Kasi lagi akong nag-eEnglish kahit pa yung sarili ko lang kausap ko. Kaya Tagalog na muna.
Okay, balik na sa going bulilit na nahospital.
Mga alas singko ng madaling araw ng Sabado, nagtext uli sa akin si Pao. Patay na daw yung kapatid niya. Kawawang bata. Bumigat pakiramdam ko tuloy.
At napag-usapan na ang patayan, dito ko na lang ipaparating ang mensahe sa lahat na patay na po si Zang Caesar. Kung iniisip niyo bakit pa siya nakapagsusulat ng blog niya dito (na Tagalog na!), iyon ay dahil nagmumulto siya sa kadahilanang di siya pinapasok sa langit. Tapos na kasi daw magdecorate doon, at di na kailangan tulong niya.
Gago!
Hindi po. Ang ibig ko pong sabihin ay patay na si Zang Caesar. Yung blog/website ko po na www.zangcaesar.com.
Kawawang blog.
Hindi ko na kasi narenew web hosting at domain registration ko.
Kawawang bakla.
At kund di mo alam kung ano ang web hosting at domain registration, ikaw naman ngayon ang kawawa.
Ngayon, balik uli sa tungkol sa pagtaTagalog ko.
Naisip kong isatitik na lang ang aking mga diwa sa ating wikang pambansa dahil sa mga naging inspirasyon ko:
Una, si Bob Ong. Sa pagbabasa lang ng dalawa (Stainless Longganisa at Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino) sa limang libro niya, eh naturuan niya akong mahalin ang ating bansa, at isang paraan nito ay ang pagmamahal natin sa sariling wika.
Chos!
Pangalawa, si Mandaya-Moore. Oo, tunog Mandy Moore, pero iba ginagamit niya kung kumanta siya. Kung ano man yun, wag ka na lang makialam. Pakialamero ka! Pero kung mapilit kang makialam, hala, puntahan at basahin mo mga sulat niya, mga sulat na ubod ng katatawanan.
O hala, click mo to para dalhin ka sa blog niya.
Pangatlo, dahil sa mga tao dito sa San Fernando, Pampanga. Dahil di ko pa masyado naiitindihan ang Kapampangan, kailangan kong maging bihasa sa Tagalog lalo pa’t hindi iyan ang salitang kinalakihan ko kundi Bisaya/Cebuano, at siyempre yang Tagalog din ang ginagamit ko dito para magkaintindihan kami.
Kung sino ka mang nagbabasa nito, at kung ikaw ay Pilipino, sana mahalin natin ang ating bansa. Walang ibang magiging dahilan ng pagkamatay ng ating kultura at pagiging Pilipino kung tayo mismo ay hindi natin ito mahal. At sino mang Pilipino na hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa PATAY na isda.
…….
Sa mga namatay, condolence! Yahoo!
